Wala Along Nakikitang Masama Sa Panonood Ng Mga Pelikuoang Bold. Nakatitiyak Along Hindi Ako Magbabago Kung Manood Man Ako Ng Ganitong Uri Ng Palabas.
Wala along nakikitang masama sa panonood Ng mga pelikuoang bold. Nakatitiyak along Hindi ako magbabago Kung manood man ako Ng ganitong uri Ng palabas. Ano sa palagay mo
Marami kang maririnig ng mga katuwiran na ito:
Wala akong nakikitang masama sa panonood ng mga pelikuoang bold. Nakatitiyak akong hindi ako magbabago kung manood man ako ng ganitong uri ng palabas.
Talaga nga kaya? Suriin ang sinasabi ng mga eksperto, mga nakaranas at ng Salita ng Bibliya.
Ano ang sinasabi ng mga eksperto:
- Tulad ito ng pagka-adik sa crack cocaine. - mula sa mga terapist
- "Ang mga mahahalay na larawan ay tumatanim at nagpapanibago ng kalagayan ng utak. Dahil dito, mayroong hindi makontrol at nagtatagal na mga memorya na imposible nang mabura." - Si Dr. Judith Reisman, mananaliksik sa pornograpya
Ano ang sinasabi ng mga nakaranas: (hindi binago ang mismong pagkakabanggit ng mg nainterbyu)
- "Walang makapigil sa akin. Para akong wala sa sarili. Nanginginig ako at sumasakit ang ulo ko. Sinikap kong huminto, pero pagkalipas ng mga taon, sugapa pa rin ako." - Isang sugapa sa pornograpya
- "Puro sarili ko na lang ang iniisip ko at naging desperado ako. Parang wala akong halaga, nakokonsensiya ako, at pakiramdam ko, nag-iisa ako at walang magawa. Hindi ako makahingi ng tulong dahil sa sobrang hiya at takot." - ang sabi ng isa na nagda download ng mga pelikula sa kaniyang gadget halos sa araw-araw.
- "Nakaukit sa aking isip ang mga larawan. Bigla na lang pumapasok ang mga ito sa isip ko. Parang hindi ko na kailanman mabubura ang mga iyon." - isang dalagang nasa edad 19 na nakahiligang pumasok sa mga mahahalay na Web site.
Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos:
"Ang mga mata nila ay punô ng pangangalunya at hindi nila kayang tumigil sa paggawa ng kasalanan, at inaakit nila ang mga di-matatag. Ang puso nila ay nasanay sa kasakiman. Sila ay mga isinumpang anak.. Pinapangakuan nila ang mga ito ng kalayaan, pero sila mismo ay alipin ng kasiraan; dahil kung ang sinuman ay nadaraig ng iba, siya ay alipin nito." (2Pedro 2:14, 19)
Sa mga binanggit na mga argumento, masasabi mo bang hindi ka na naililigaw ng iyong pangangatuwiran na wala talagang epekto sa iyo ang panonood ng bold. Iyan mismo ay isa ng silo at naalipin ka na ng pornograpya.
Comments
Post a Comment