Tauhan Sa Noli Me Tanggere Kabanata 11
Tauhan sa noli me tanggere kabanata 11
Noli Me Tangere
Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
Tauhan:
Don Rafael Ibarra - ang pinakamayaman sa bayan ng San Diego ngunit hindi kinilalang makapangyarihan sapagkat siya at itinuring na kalaban ng simbahan at ng pamahalaan. Ngunit ang totoo, siya ay isang mabuting tao.
Kapitan Tiyago - ang mayaman at aktibong kapitan ng bayan ng San Diego ngunit hindi tinawag na makapangyarihan sapagkat madalas siyang kaalitan ng alkalde mayor.
Padre Bernardo Salvi - ang kurang pumalit kay Padre Damaso sa bayan ng San Diego kaya naman isa siya sa mga makapangyarihan dito. Bukod sa pagiging batang Pransiskano, siya ay higit na mabait at maingat sa tungkulin kaysa kay Padre Damaso.
Padre Damaso - ang dating kura ng bayan ng San Diego na inilipat matapos na naparusahan matapos na matuklasan ang ginawa niyang mga kapasyahan ukol sa bangkay ni Don Rafael.
Donya Consolacion - ang kabiyak ng alperes na mahilig maglagay ng kolorete sa mukha upang maitago ang labis na lungkot na dulot ng pananakit ng alperes.
Alperes - ang namumuno sa mga gwardya sibil na mahilig maglasing. Siya ay isa rin sa makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Magaling siyang mag balatkayo sa harap ng kura kaya hindi nahahalata na ito ay may lihim na galit sa kura.
Comments
Post a Comment