Dapat Itaguyod Ng Estado Ang Makatwiran At Dinamikong Kaayusang Panlipunan Na Titiyak Sa Kasaganaan At Kasarinlan Ng Bansa At Magpapalaya Sa Sambayana

Dapat itaguyod ng Estado ang makatwiran at dinamikong kaayusang panlipunan na titiyak sa kasaganaan at kasarinlan ng bansa at magpapalaya sa sambayanan laban sa kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang nagtatakda ng sapat na mga lingkurang panlipunan, nagtataguyod ng pagkakataon na makapaghanapbuhay ang lahat, umaangat na istandard ng pamumuhay at ng lalong mainam na uri ng buhay para sa lahat.

Ano ang mas specific na paliwanag tungkol dito anu ang nais iparating ? Artikulo 2 seksyon 9?

Ang ibig sabihin ng artikulong ito ay:

Ang Estado ay dapat magkaroon ng mga programa na makakatulong sa suliranin ng mga mamamayan nito tulad ng kahirapan. Responsibilidad nito na pangalagaan ang lipunan kung kayat dapat na ang estado ang magtatang mga pamamaraan na makakatulong na maging maayos ang  buhay ng mga tao. Halimbawa ng mga gawaing ito ay ang pagbibigay ng edukasyon sa mga kabataan at ang pagbibigay o pagtulong sa mga mamamayan na makahanap ng trabaho. Ang kaunlaran na dapat minimithi ng bansa ay hindi lamang para sa buong bansa at ang imahe nito sa mga bansang banyaga ngunit dapat ang kaunlaran ay para sa mga tao. Matatamo lamang ito sa pamamagitan ng pagtulong ng gobyerno sa mga nangangailangan bilang serbisyo publiko.

Related links:

brainly.ph/question/2077598

brainly.ph/question/2507

brainly.ph/question/190894


Comments

Popular posts from this blog

Explain Why A Complete Circuit Is Necessary For A Nonzero Current To Exist

How Do Organisms Differ From One Another