Anong Ibig Sabihin Ng Ang Mahalag Ay,Huwag Mong Kalilimutan Na Ikaw Ay Nasa Proseso Pa Lamang Ng Paghahanda Para Sa Tunay At Wagas Na Pag Mamahal At A
Anong ibig sabihin ng ang mahalag ay,huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda para sa tunay at wagas na pag mamahal at ang iyong nararamdaman ay paghanga lamang at hinde pa tunay na pagmamahal.
Tungkol po yan sa puppy love pakisagot po tnx
Ang paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal ay tunay na napakasayang yugto ng kabataan. Gusto mo itong i-enjoy at huwag madaliin. Proseso ito ng pagdedevelop mo ng damdamin mo mula sa paghanga, infatuation at hanggang sa sumapit ito sa tunay na pagmamahal. Panahon ang kailangan. Talagang kailangan mong maghintay. Bakit?
Gaya nga ng ginamit na salita- puppy. Ito ay isang yugto ng aso na napakabata pa. At inaasahang sa paglipas pa ng mga buwan o taon ay maaabot ng aso na ito ang hustong gulang sa laki, hitsura o sa pagkatuto. Nanabik ang may-ari ng aso sa pagdating niyaon. Naliligayahan din naman siya sa panahong tutu pa lamang ang alaga niya? Bakit?
Dahil ito ang panahon na sobrang magiliw sila sa isat-isa dahil nagkakakilanlan pa sila. Masyado pa ding alagain ang asong ito. Lahat ay kailangang ituri sa kaniya ultimo ang pagdumi, pagkain, pag-inom. Maging ang pagtahol, iskedyul ng paliligo o maging ang pagbisita sa beterenaryo. Napaka-abalang panahon nito para sa aso at sa tagapag-alaga.
Kapag lumaki na ang aso na alaga mo, tiyak na mas mahusay na siya sa pagsunod. Alam na niya paano maghinta sa kaniyang rasyon na pagkain. Baka nga mas alam na niya ang rutin ng lahat sa bahay at umaayon na siya dito. Inaasahan na din ng mga may bahay ang reaksyon ng aso mo anumang ang kalagayan.
Talagang sulit ang paghahanda mo sa kaniya. Maikukumpara mo ang kaniyang pagiging tuta sa panahong aso na talaga siya. May pipiliin ka bang mas mahalaga sa dalawang yugto na iyon? Siyempre, parehong mahalaga iyon.
Kagayang-kagaya ito ng damdamin ng paghanga at infatuation. Ang paghanga ay ang mismong nakikita ng mga mata mo sa pisikal na mga kaanyuan. Ang infatuation naman ay ang mismong nadarama mo sa oras na iyon lamang.
Ito ang mga yugto na sumasaklaw sa puppy love. Kailangan mong aralin ang tamang pakikitungo sa iyong damdamin. Nariyan ang mga payo ng iyong mga magulang kung paano mo malilinanang ang mga katangiang kailangan sa pagliligawan, pagkakasintahan hanggang sa ikaw ay mag-aasawa na.
Kung lahat ng ito ay tatanggapin mo bilang paghahanda at hindi bilang pag-aakit, lalaki kang husto ang gulang wika nga sa pagbuo ng tunay at wagas na pag-iibigan.
Comments
Post a Comment